About

Lahat ng bagay ay may simula maging ito man ay may buhay o kahit ang ating minimithing mga pangarap.

Isa lamang ako sa libo libong tao na nagnanais makapagsulat ng naayon sa sarili naming paraan. Maraming mga magagaling na manunulat ang sumubok at nagtagumpay. Sa dami ng bagay sa mundo na pwede nating simulan eh ewan ko lang kung matapos tayo kaagad. :)

Noong hayskul pa lang ako naalala ko na nasabi ng aking mga guro na mayroon akong angking talento sa pagsusulat at kung sila lamang ang maaring magsabi ng aking kukuning kurso ay ipapakuha nila sa akin yung BS Journalism. Not a bad choice after all pero nung mga panahon na yun eh wala pang pumapasok na matino sa utak ko kaya yung kinuha kong course ay yung alam kong nasa hilig ko din (BS ComSci — DC IT) nagshift ako from BSCS to DCIT.

Eto iyong paraan ko para naman makapagsimula ako ng panibagong pahina ng buhay ko.

Marami akong gustong simulan na mga bagay bagay na alam kong hindi ko pagsasawaan sa matagal na panahon. Marami na din akong nasimulan at madami na rin ang aking mga natapos ngunit alam kong hindi lang ako hanggang dito. Marami pang darating na oportunidad na pwede kong hawakan at sabihin para sa akin.

Pero sa ngayong haayaan ko lang ang lahat sa natural na takbo ng buhay ko at pagdating ng panahon .. aba ibang usapan na to ! :)

Pupunuin ko to ng mga babasahin sa magpapalipas sa inyong mga oras at sana’y magustuhan nyo.

PAUNAWA .. ito ay sariling opinyon ko lamang .. walang basehan at walang prioridad .. SARILING OPINYON at SARILING AKDA. Kung may nais kayong sabihin o iklaro sa mga nakasulat maari lamang magkumento at hwag mang-away TAMA ? :)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.